BUKID AY BASA (Part 19 PISPIS)
Kinailangang harapin ni Greg ang kanyang bagong pamilya matapos ang paghihiwalay nila ni Mer. Tulad sa isang bukid, may mga hindi inaasahang unos na dumarating upang hamunin ang ating katatagan.
Parang hindi ko naramdaman yung haba ng byahe pabalik sa Pilipinas mula sa London. Halos labing anim na oras ang paglalakbay sa himpapawid ng sinakyan kong eroplano. Nakatulog ako sa kabuuan ng byahe. Paano ay naglasing ako. May gusto akong lunurin sa bula ng alak.
Wala na ang aking si Mer. May iba nang nagma-may-ari sa kanyang puso at maging sa kanyang katawan.
Dapat ay matuwa ako. Malaya na kami ni Adel. Hindi na magiging bigamous ang aming pagsasama. Pero, mahal ko pa si Mer. Siya ang una kong babaeng minahal. Siya ang pinili kong maging ina ng aking mga anak.
Dinala nya ang mga anak ko ng umalis siya. Sa pag-asang susunod ako dahil nasa kanya ang mga alas nya. Subalit isang dekada ang lumipas bago ako sumunod. Pwede naman ako dumalaw kahit yearly lang. May trabaho naman ako… Yung kawalan ko ng effort na makita sila at bisitahin ang kanilang kalagayahan ang naging fatal para mangyaring natukso siyang maghanap ng ibang pagkalinga.
There is no use in crying over spilled milk. Wala namang sugat na hindi napaghihilom ng panahon. Makakalimutan ko rin si Mer.
Sinundo ako ni hipag sa airport. Nagtaka ako at wala si Adel.
“Masama daw ang pakiramdam nya,” sabi ni Sannang. Sa duty free na ako sa loob ng airport namili ng mga pasalubong ko. Kahit pa may ilan na akong souvenir items na nabili mula sa Australia at sa London.
What's Your Reaction?
Due to the nature of this site, you must be logged in to react.